Araw ng Biyernes noon, pero hindi Friday the 13th. Sinabi ni John sa akin through the phone text messaging na makipag-usap daw siya. Excited ako, kasi baka may surprisa siya sa akin. Hindi ugali ni John na makipag-text, kaya lalo akong na-excite. Sa isip ko, baka tungkol ito sa plano namin na pumunta sa Samal Island. Nakita kasi namin ang mga posts sa Misamis Oriental Journal.
“Bakit? May surprisa ka ba?” Iyon ang mga tanong ko na may kasamang saya sa mukha noong makipag-usap ako sa video chat sa Messenger. Excited na nako.
“Sa palagay ko kailangan na nating maghiwalay.” Iyon din ang diretsuhang bigkas sa bibig niya. Sa isip ko na nagbibiro lang siya. Pero ang mukha niya ay nagsasabi ng totoo.
“Ano? Nagbibiro ka ba?” Ang seryosong tanong ko.
Bigla siyang tumahimik. Napagtanto ko na hindi siya nagbibiro. Siya ang tao na nagsabi at nagtanong sa akin kung ano ba ang gusto kong wedding. Ipinagpakilala pa ako niya sa family niya. Niregaluhan pa niya ako ng aso na gustong-gusto ko. Sabi niya mahal daw niya ako. Kahit COVID-19, pumunta pa siya sa bahay at nagdala sa akin ng cake from Goldilocks.
“Bakit?” Tanong ko ulit na may luha sa aking mga mata.
“Walang ibang babae. Wala ka ring ginawang mali. Parang nawala lang ang chemistry natin.” Iyon ang sabi niya. Para akong nabilaukan. Gumaralgal ang boses ko. Para akong nagkaroon ng cerebovascular disease sandali.
“Sige na. Puntahan mo na mga kaibigan mo. Alam ko na strong woman ka. Kaya mo yan. May pupunta pa akong trabaho.” Parang okay lang siya. Hindi man lang niya alam na nasaktan ako.
“Wat da pak!” Iyon na lang ang naisip ko. Naiinis ako. Ang dating excitement ko ay napalitan ng inis.
Parang pinatay niya rin ako. Namatay na nga ang mother ko a week ago, tapos nakipaghiwalay pa siya sa akin. Parang gumuho ang mundo ko. Hayon, natulala ako na nakahiga at nakatingin na lang sa kawalan. Si John kasi ang sandigan ko. In fact, siya ang emergency contact ko kung may emergency ako. Noong namatay si Mama at halos ako mabaliw, siya iyong nag-comfort sa akin. Pero isang linggo pa ang nakalipas, nakipag-break up pa siya sa akin ngayon. Sa panahon pa ng COVID-19 and Christmas, ginawa niyang masaklap ang lovelife story ko. Ang sakit!
Dahil ba sa nawala iyong chemistry, break up na? Kailangan pa ba ito? Alam natin na, sooner or later, mawawala ang chemistry. Hindi na man naghiwalay ang iba. Pero bakit si John nakipahiwalay sa akin? Nang dahil ba sa COVID-19 at wala kaming constant bonding, nawala ang chemistry?
“Wat da pak!”